Mahal Na Kaya Kita
Hindi ko rin alam eh. Ilang tao na ba nagtanong sa 'kin nyan? Hindi kasi nila maintindihan kung bakit andito pa rin ako sa sitwasyong ito na obviously ay walang patutunguhan.
Ano nga ba yung usapan natin nun? Go with the flow. Sabi mo kasi ayaw ko naman ng commitment. Medyo tama ka naman d'yan. Nahihirapan pa talaga ko sa commitment. At mas nahihirapan akong magpanggap na commited with someone na hindi naman kayang maging exclusive. pero gusto ko rin namang maranasan yun. Yun nga lang, mukhang wala rin sa plano mo ang commitment. So, sige, payag na ko, go with the flow. 'Yan palang, hindi ko na alam kung bakit ako pumayag. Dahil kaya mahal na kita?
Lately, mas madalas tayong nag-uusap. Umaga't gabi nga eh. Kinikilig pa nga ako tuwing kausap kita. Lalo na kapag ang sweet mo. Gabi-gabi na lang puyat ako, gusto kasi kitang maka-usap kahit sa ym habang nag-tra-trabaho ka. Ang hirap naman kasi, graveyard shift mo. Tapos, madalas puro ka pa overtime. Nag-aalala na nga ko sa 'yo baka magkasakit ka na eh. Kung pwede nga lang pumunta ko sa inyo at siguraduhing nakakapagpahinga ka ng tama, gagawin ko. kaya lang, gawain ng girlfriend yun di ba? Hindi naman tayo. Ibig sabihin ba nun, mahal lang talaga kita?
Kakaibang kwento ang kwento mo. Ang dami mo nang ginawa. At halos lahat hindi maganda. Napaka-bayolente ng nakaraan mo. Ang sabi mo parati kang nasa gulo. Pero nagbago ka na ngayon. Corporate slave ka na eh. At andyan naman ang yosi. Yun nga lang, ang dami mong babae. Di mo na nga mabilang ex mo. Muntik ka pang magpakasl noon. Yun nga lang, nalaman ng future bride mo na may on the side ka pala, kaya hindi tuloy natuloy ang kasal nyo. At ang pinakamasaklap sa lahat, muntik ka nang maging ama. Tatlong beses! pero okay lang. Tanggap ko na rin yun. Kung anuman ang mga kasalanan mo noon, noon pa yun. Clean slate ka sa'kin kung baga. Hindi naman kita pwedeng husgahan sa mga ginawa mo nung hindi pa kita kilala. Sana lang, huwag mo na syang gawin ngayon. Pero, akalain mo, tanggap ko lahat ng baho mo. Baka nga mahal na talaga kita?
Then again, baka katawan mo lang habol ko.















